Sunshine Aragon

Every Beast Needs A Beauty

by jonaxx

Source: Summit Media

“Ako si Sunshine Aragon. Pinalayas ako sa bahay ng aking Auntie at ng kanyang anak nang mamatay si Mama. Buong buhay ko, puro hirap at pasakit lang ang naranasan ko. Wala akong natapos sa pag-aaral. Wala rin akong experience sa trabaho. Mahirap maghanap ng trabaho kaya kahit anong raket, kukunin ko. Kahit pa maging cigarette girl sa mga bar sa gabi at janitress para sa malupit na boss na si Rage del Fierro. Misteryoso si Rage, pero napakagwapo niya. ’Di ko alam kung ano ang nakita niya sa akin nang mapagdesisyunan niyang i-hire ako kahit alam ng lahat na ayaw na ayaw niya sa akin. Magsisimula na ang bagong kabanata ng buhay ko. Sana mapaamo ko ang beast. Sana mapaamo ko si Rage del Fierro.”

Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro sa kanya ngayon ay ang pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay: ang kanyang ina. Hindi pa nakakabangon sa sakit ay pinili niyang magpakatatag at mabuhay para sa sarili at para sa mga pangarap.

Life is hard but it’s easy to be strong. Iyon ang panlaban niya, ang pagiging matatag at pursigido. She was invincible because of that, but will she still feel invincible with a beast around? Lalo na pag napaibig na siya nito? Mahina ba talaga ang mga babae pag dating sa pag ibig? Because she was sure as hell beginning to lose all her strength.

Ang Aking Pananaw

Ito ang unang libro natapos ko na galing kay Jonaxx. Isa sa nirekomenda sa akin ng matalik kong kaibigan. At hindi siya nagkamali na irekomenda sa akin ito dahil ito’y aking nagustuhan.

Sa kwentong ito, marami akong natutunan lalo na sa ating bida na si Sunny. Maraming pinagdaanan si Sunny sa kwento. Madami siyang dinanas na hirap para lang kumita ng malaking pera. Dumating pa sa punto na sardinas na laman ang kinakain niya at ang mas malala isa o dalawang beses na lamang siya kumain sa isang araw. Matutunan mo rin sa istoryang ito na kahit sinasaktan ka na darating parin sa punto na magpapatawad ka dahil hindi lahat ng bagay o aksyon ay dapat ginagamitan ng masamang gawain tulad naa lamang ng paghihiganti.

Nirerekomenda ko ang librong ito sa mga kabataang mahilig sa ganitong uri ng kwento. Alm ko naman na lahat ng tagahanga ni Jonaxx ay maaaring nabasa ito pero ito ay nirerekomenda kong basahin ninyo ulit dahil ito ay isa pinakatumatak na kwneto para sa akin.

Rating: 5/5

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: