Althea Josefa Marinduque

That Promdi Girl

ni owwSIC

Pinagkunan: Wattpad

Genre: Romance, Comedy

Nagbago ang buhay ng probinsyana na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala.

Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi basta-bastang lalaki lang kundi isang super sayan – si San Goku. Biro. Apo lang naman ng pinakamayamang mangnenegosyo ang mapapangasawa ng ate niyo. Kabog, ‘di ba?

Paano niya pakikisamahan ang masungit, palaging wala sa mood, at ginagawang hobby ang pagsimangot na si Elton Alexander Falcon? Kung pati ang paghinga ni Althea ‘e kinaiirita ni Elton?

Ito ang unang kwentong nabasa ko na sinulat ni kuya Sic. Isa rin ito sa kinaadikan ko na tatlong beses ko ng binasa. Di mo mapipigilan ang tumawa lalo na’t bobita ang bida. Chos!

Pananaw ni Althea ang kadalasan sa mga kabanata. Para sa akin, ito ang naging magandang paraan kaya naging nakakatawa ang kwento. Lalo na’t malalaman mo ang pinag-iisip ni Althea. Talagang mapapagalitan ka na lang ng nanay mo sa kakatawa ( naranasan, nabatukan pa po). Pinakamahusay na karakter sa storya ay ang alagang baboy ni Althea. Maiimagine mo ang pagtaray ng baboy kay Althea. Isa sa mga di makakalimutang sitwasyon nilang dalawa iyon.

Kung mahilig kang magbasa ng katatawanan at pagmamahalan, ay tiyak magugustuhan mo to.

Rating: 5/5

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: