“Jejebuster at Tombs”

Lesbi In Love

by: Sic Santos

Genre: Romance, Comed

Source: Wattpad

Ang kwentong ito ay tungkol sa tomboy na unti-unting nagkakagusto sa lalaking may gusto sa babaeng gusto niya. Ang gulo, ‘di ba? Parang pagmamahalan lang nila. Kaya basahin mo nalang. Boooom tibooom. Lalalalalalalala~ boom tibooooom ♪♫♪

 Si Mary Jovelyn Salazar, a.ka. M.J, ay isang tomboy. Buong buhay niya ay may galit siya sa mga lalaki dahil sa kasalanan na nagawa sa kaniya ng kanyang ama. Ito marahil ang naging dahilan kung bakit siya naging isang “lalaki”. Hindi alam ni MJ na magbabago ang pananaw niya sa buhay dahil lamang sa isang lalaki. Ang lalaking ito ay may gusto sa babaeng mahal niya. Nagkagulo-gulo ang buhay niya simula ng makilala niya ito at hindi niya alam na mahuhulog pala siya sa lalaking ito.

Ito ang pangalawang libro kong nabasa na galing kay kuya Sic Santos. Agad ko rin itong natapos basahin dahil talagang nakakasabik ang mga pangyayari sa kwento. Hindi mo mapipigilan ang magbasa at tapusin ang kwento.

Gusto ko ang paraan sa pagkakasulat sa kwento. Malalamat mo lahat ang iniisip ng ating bida na talaga namang matatawa ka na lang kung minsan. Mahilig siyang mambara sa mga kaibigan niya. Paborito ko nga sigurong karakter sa kwento ay si Anton, isa sa matalik na kaibigan ni MJ na tomboy rin at palagian nilang inaasar dahil “bobo” raw ito. Ang totoo niyang pangalan ay Maria Antonina Tatlong Reyna. See, pangalang palang laughtrip na. Ang kahinaan lang ng kwento ay kulang sa point of view ng ibang karakter pero di naman siya masyaong kailagan dahil iyon ang pagsulat ni Kuya Sic.

Ito ang librong pwede sa mga mambabasa na mahilig sa katatawanan at pag-ibig. Habang binabasa mo ang libro, di lang katatawanan ang ramdam mo pati na rin ang pagmamahalan ng mga bida. Hindi siya pwede irekomenda sa mga bata dahil may mga di kaaya ayang salita na kasama sa storya. Ramdam mo rin ang hilig ni Kuya Sic sa pagsulat nito. Marami pang ibang mga kwentong tulad ng ganitong uri ng kwento ang nagawa niya, sana ay inyong mabasa.

Rating: 5/5

Sinasabi ng iba sa “Lesbi in Love” :

RonReads’s Review: “Humor is also a big part of this book, and for the most part the humor does land. A lot of it is the kind of street humor and sight and sound gags that you find in a Vice Ganda film, so if that’s not what you’re into you may find it a little grating.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: